
Nanatiling mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong.
Source: rurumadrid8 (IG)
Sa pagpasok ng bagong yugto ng serye sa ika-pitong linggo nito, nakilala na ni Lolong, (Ruru Madrid) ang mga natitirang Atubaw na nagtatago sa isang kuta sa kabundukan.
Nalaman din niya ang plano ng mga ito na maghiganti sa mga Banson dahil sa halos pagkaubos ng kanilang lahi.
Dahil sa paglalim ng kuwento ng serye, nanatili sa buong linggo ang mas mataas na combined ratings nito mula sa GMA at GTV kumpara sa kasabay na programa mula sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at CineMo.
Sa ika-walong linggo naman ng Lolong, puputok na ang dambuhalang digmaan sa pagitan ng mga Atubaw at ng mga Banson.
Magsisimula ang laban sa Tinago, ang kuta ng mga Atubaw sa Mount Oro. Isang lihim din na bitbit niya mula pa sa Isla Pangil ang ipagtatapat ni Narsing (Bembol Roco) kay Karina (Rochelle).
Abangan lahat ng 'yan sa dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.