
Tatlong sexy actors mula sa '90s ang bibisita para sa Father's Day celebration ng Sarap Diva.
Sina Gardo Versoza, Leandro Baldemor at Allen Dizon ang mga "Super Tatay" na makikipagkulitan kasama ang Cooking Diva na si Regine Velasquez-Alcasid. Sila ay magkukuwento ng kanilang mga buhay bilang tatay ngayong Sabado, June 17.
But wait, may surprise pa si Regine sa kanyang musical director at brother-in-law na si Raul Mitra. Ayon sa Sarap Diva, ito ay ang kauna-unahang paglabas ng mga daughters ni Raul on national TV.
Abangan ito ngayong June 17, 10:30 a.m. sa Sarap Diva.