
Engaged na si Miss Universe 1993 Dayanara Torres sa Marvel Producer boyfriend nitong si Louis D'Esposito.
Ibinalita ni Dayanara sa kaniyang Instagram account ang kanilang engagement.
Aniya, “He asked & I said “YES!!! Dije que si...!!! Me siento Bendecida. Blessed to have you in our lives... #DiosEsBueno #ElTiempoDeDiosEsPerfecto #MisHijosTeAman #iLoveYou #MySoulmate #MiAlmaGemela by @symartinez.”
Naging artista si Dayanara sa Pilipinas noong '90s matapos manalo sa 1993 Miss Universe at napanood sa mga pelikulang Basta't Kasama Kita (1995), Hataw Na (1995),Type Kita Walang Kokontra (1999).
Ex-boyfriend ni Dayanara ang aktor na si Aga Muhlach. Ikinasal ito sa singer na si Marc Anthony noong 2000 at nag-divorce noong 2004. Nagbunga ang kanilang pagsasama ng dalawang anak, sina Cristian Muñiz at Ryan Muñiz.
Matatandaang dumalaw si Dayanara sa Pilipinas noong 2017 noong naging judge siya sa 65th Miss Universe pageant.
Ilan sa mga naging proyekto ni Louis ay ang Captain America: The First Avenger (2011), Iron Man (2008), and Ant-Man (2015).