
Natuwa si Aiai Delas Alas nang mapanood niya ang isang couple na malaki ang age gap sa 'Bawal Judgmental,' isang sikat na segment sa longest-running noontime variety show na 'Eat Bulaga.'
Sa isang post sa Instagram, ibinahagi ni Aiai ang larawan ng mga kalahok sa Eat Bulaga na may 34 taon ang agwat sa edad.
"Kakatuwa, hindi tayo nag iisa darl mas malaki pa nga gap nila e," sulat ni Aiai sa caption.
Tinutukoy niya na Darl ay ang kanyang asawa na si Gerald Sibayan, na mas bata sa kanya ng 29 years.
#WalaSaEdad: Celebrity couples na may malaking age gap