
Sa isang pambihirang pagkakataon, muling nakasama ni Aiai Delas Alas ang mga naging anak niya sa pelikulang 'Ang Tanging Ina.' Naganap ang reunion sa block screening ng pelikulang 'Meet Me in St. Gallen,' ang 2018 romantic comedy-drama movie na pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Bela Padilla.
IN PHOTOS: Team Pelangi supports Direk Irene Villamor's film 'Meet Me In St. Gallen'
Kung inyong natatandaan, gumanap bilang isa sa mga anak ni Aiai ang bida ng 'Meet Me In St. Gallen' sa 'Tanging Ina' na ipinalabas noong 2003. Sa naturang comedy movie na idinirekta ng yumaong direktor na si Wenn Deramas, Dimitri "Tri" Montecillo ang pangalan ng karakter ni Carlo.
Sa Instagram post ng Sherlock Jr. star, makikita na masayang magkakasama sina Aiai, Marvin Agustin, Nikki Valdez, Heart Evangelista, Jiro Manio at Bb. Joyce Bernal.
Hindi naman maitago ni Aiai ang kanyang pagkagalak sa pagganap ni Carlo bilang isang leading man.
"Block screening of MEET ME IN ST GALLEN .. leading man na ang anak kong si tri ( carlo aquino) almost complete na kami —- kaso sa pic nato wala pa ang bida," aniya sa kanyang caption sa Instagram.
Nag-post din si Heart Evangelista ng group photo sa kanyang Instagram stories. Dito ay kasama naman nila sina Shaina Magdayao at Carlo Aquino.