
Mainit na sinalubong si Pambansang Bae Alden Richards ng kanyang mga taga-hanga sa Ninoy Aquino International Airport kanina.
Sa videong ito na ipinost ng 24 Oras reporter na si Cata Tibayan sa Instagram, hindi magkamayaw ang kanyang fans sa pagkuha ng litrato.
Biyaheng Australia na si Alden para sa kanyang concert doon kung saan makakasama niya ang komedyanteng si Betong Sumaya. Gaganapin ito sa January 20 sa Evan Theatre, Panthers Penrith sa Sydney.
Memorable 2018 in sight for fans of Alden Richards in Sydney, Australia
First time niyang makakapunta ng Australia kaya sobrang excited siya rito. Ito rin daw ang tamang panahon para makipagbonding sa mga Kapuso roon.