
Pinag-uusapan ngayon ng netizens ang pamangkin ng yumaong matinee idol Rico Yan na si Alfonso Yan Tueres.
WATCH: In tears, Claudine Barretto prays to Rico Yan
Sa kumakalat kasi ng larawan ngayon sa social media, makikita ang pagkakahawig ni Alfonso kay Rico.
Ayon sa ulat ng PEP.Ph, anak ng kapatid ng yumaong aktor na si Geraldine Yan-Tueres ang cute heartthrob na si Alfy na star player ng kanilang baseball team.
Matatandaan na namatay si Rico noong March 29, 2002 sa edad na 27.
Sa tingin niyo ba mga Kapuso na puwede sumunod sa yapak ni Rico Yan at maging next "Crush ng Bayan" si Alfonso?