
Ipinasilip ng misis ni Alfred Vargas na si Yasmine Vargas sa Instagram ang sonogram ng kanilang ikatlong anak.
Sa larawang ito, tila naka-thumbs up pa ang lumabas sa kanyang ultrasound.
Sulat ni Yasmine, "Ok daw siya sabi ni baby bunso ko. I love you so so so much!"
Inanunsyo ni Alfred ang pagbubuntis ng kanyang asawa sa kanilang wedding anniversary noong July 23. Sa ngayon ay 16 weeks pregnant na si Yasmine.