
Pati ang American DJ at record producer na si Diplo ay na-hook na sa hit teleserye na Onanay.
Ikinagulat ng netizens nang makita nila ang panonood ng EDM artist ng GMA drama series sa kaniyang Instagram Stories.
Saad niya, "This is why my kids have a funny accent."
Maging ang lead star ng Onanay na si Mikee Quintos ay ikinatuwa ang pagsuporta ni Diplo sa serye, at kinilig pa nang makatanggap ng reply mula sa DJ.
Ilan lamang sa mga pinasikat na kanta ni Diplo ay ang "Where Are Ü Now," "Paper Planes" at "Look At Me Now."