
Espesyal para sa birthday girl na si Andrea Torres ang kanyang kaarawan kada taon dahil nakakasama niya ang mga batang may Down Syndrome. “Angels” kung tawagin ng Kapuso star ang mga bata mula sa Reach Foundation.
Sinasama rin ng aktres ang kanyang nakakabatang kapatid na may parehong kondisyon rin, “Every year talaga, ito talaga ang wish ko sa [GMA] Artist Center at nagpapasalamat ako sa pagkakataon na ibinibigay nila sa akin.”
Kasama sila ng sexy actress manuod ng block screening ng 2008 animated film na Urduja. Saad niya na minsan na niyang gusto isama ang kanyang kapatid sa sinehan kaya ito ang kanyang naging birthday treat.
Proud rin siyang ilabas ang kanyang 20-year-old brother na si Kenneth sa publiko, “Marami pang ‘di pa informed tungkol sa kanila at saka [ang] sarap sa pakiramdam kapag kasama ko sila.”
Kwento ng aktres na hindi madali ang kanilang pinagdadaanan, “Mahirap talaga mag-alaga ng mga special children so kailangan pa nila ng doble pang love and care. Every year [pinu-push ko] na sana maging aware sila sa needs ng mga bata. Sana through this, may ma-curious [at] sana marami pang makatulong sa kanila.”
Malapit sa kanyang puso ang mga batang may Down Syndrome at hinihiling pa niyang sila pa rin ang makakasama niya sa mga susunod pa niyang mga kaarawan.
“Sabi ko talaga, ‘pag narating ko na talaga ‘yung gusto ko sa showbiz, sabi ko, ang gusto ko talagang charity ito, ‘yung mga katulad ng kapatid ko,” pagtatapos ng 27-year-old Kapuso star.
MORE ON ANDREA TORRES:
READ: Celebs greet Andrea Tores on her special day
LOOK: Andrea Torres, niregaluhan ang sarili ng Coldplay in Tokyo concert ticket
LOOK: 20 jaw dropping photos of Andrea Torres