
Nauuso ngayong 2018 ang #bestnine dahil marami ang nagbabalik-tanaw sa highlights ng kanilang nakaraang taon. Hindi rin nagpahuli rito ang hit Kapuso drama na Ika-6 Na Utos dahil nakabuo rin ito ng top nine scenes mula noong 2017.
Isang Facebook user na may pangalang Lee Rafael ang pinagsama-sama ang pinaka-pinag-usapan at intense na eksena sa Ika-6 Na Utos.
Kabilang sa mga eksena ang pagbaril ni Georgia kay Emma gamit ang Nerf gun, pagtapon ng balot ni Emma kay Georgia, pagsakal ni Georgia kay Emma gamit ang jump-rope, at ang kanilang naging wheelchair race.