
Tignan ang palitan ng messages nina Angel at Miguel sa Twitter.
Naging maingay ang pagpasok ng Mulawin sa Encantadia noong nakaraang linggo. Dahil dito, nagkaroon ng pambihirang pagkatataon na makapag-usap ang mga gumanap sa Mulawin noon na sina Angel Locsin at Miguel Tanfelix sa pamamagitan ng Instagram.
Nagsimula ito nang mag-post si Miguel ng kanyang birthday greeting para sa nakababatang kapatid na si Yuan kung saan nag-comment si Angel.
Nang makita ito ni Miguel, agad siyang nagpasalamat dahil naalala pa siya ni Angel kahit limang taong gulang pa lamang siya noon.
"Got a comment from Ate/Ms Angel Locsin @therealangellocsin on my pic with my brother. She remembers me! Na-excite ako! Thank you, Ate Angel! Teenager na po ang inyong kaibigang kwago na si Pagaspas," saad ni Miguel.
Sinagot naman ni Angel naka-tag na post ni Miguel.
MORE STORIES ON MULAWIN:
WATCH: Ano ang misyon ni Pagaspas?
THEN AND NOW: Miguel Tanfelix as Pagaspas of 'Mulawin'
IN PHOTOS: Sam Bumatay of 'StarStruck Kids' and 'Mulawin' is all grown up!