
Sa pagdating ng 2021, may bagong New Year's resolution ang officemate ni Stacy (Maine Mendoza) na si Daboy (Kevin Santos).
Masusubukan sa episode ng Daddy's Gurl this Saturday night, January 2, ang determinasyon ni Daboy na pumayat.
Makatulong kaya si Ipe (Anjo Damiles), ang younger brother ni Daboy sa goal niya na maging fit and healthy sa 2021?
Tiyak sasabog ang tawanan sa first episode ng hit Saturday night sitcom, dahil bukod sa Kapuso hottie na si Anjo, ay makakasama pa nila ang internet sensation na si Krissy Achino!
All-out ang bonding sa Daddy's Gurl with Bossing Vic Sotto at Kapuso Phenomenal star Maine Mendoza, sa opening salvo nila sa 2021.
Abangan ang episode na ito sa January 2, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) sa oras na 9:15 P.M.
Related content:
WATCH: 7 most viewed 'Daddy's Gurl' videos of 2020