
Mukhang malapit nang mapanood muli si dabarkads Paolo Ballesteros sa big screen!
Kamakailan ay nag-post ang aktor sa kaniyang social media account ng isang larawan na may caption na: "With the one and only BARBI..."
Kasama nito sa larawan ang Henyo Master na si Joey de Leon, TV and film production designer na si Mitoy Sta. Ana at ang director na si Tony Reyes.
Bago pa ito ay nauna nang nag-share ang aktor sa kanyang followers ng larawan na tila kuha sa isang shooting at isa naman na nakasuot ito ng red knee-high boots.
Sa lahat ng ito, gumamit si Paolo ng hashtag na #WonderBeki. Ito kaya ang title ng movie?