What's Hot

LOOK: Babaeng anak ni Jose Manalo, isa nang lisensyadong doktor!

By Al Kendrick Noguera
Published September 23, 2017 11:06 AM PHT
Updated September 23, 2017 11:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

UN biodiversity treaty enters into force, aims to protect 30% of oceans by 2030
Check out Brandon Espiritu's men's hygiene tips
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills

Article Inside Page


Showbiz News



Mayroon ng anak na doktor si Jose Manalo! Alamin ang buong istorya.

Marami na ang nakakakilala sa anak ni Eat Bulaga Dabarkad Jose Manalo na si Myki Manalo. Bukod sa kanyang taglay na ganda, alam ng publiko na nag-aaral si Myki ng pagdodoktor.

 

Photo courtesy of @mykimanalo (IG)

Kahapon, September 22, inilabas na ang resulta ng inaabangang Physician Licensure Exam at laking tuwa ni Myki nang makita ang kanyang pangalan sa listahan ng mga nakapasa.

 

LORD, IBA KA! IKAW LAHAT 'TO! THANK YOU! LISENSYADONG DOKTOR NA PO AKO! ????

A post shared by Myki Manalo (@mykimanalo) on


Agad na ibinahagi ng anak ni Jose ang magandang balita sa kanyang Instagram.

"Lord, iba ka! Ikaw lahat 'to! Thank you! Lisensyadong doktor na po ako," saad ni Myki.

Taong 2012 nang makuha ni Myki ang kanyang BS Psychology degree sa De La Salle University Manila at nagtapos naman siya ng Doctor of Medicine sa FEU-NRMF Institute of Medicine noong 2016. Nito lamang July 2017 nang makumpleto niya ang kanyang postgraduate internship sa De Los Santos Medical Center.

Mayroon ng anak na doktor si Jose! Congratulations, Myki!