
Isa na namang milestone ang naabot ni Baby Tali o Talitha Sotto, ang panganay na anak nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna.
Unang beses kasi niyang lumangoy sa swimming pool gamit ang isang floater habang inaalalayan ng kanyang mommy Pauleen.
Naging mapagnilay din ang mood ng first time mom na si Pauleen.
"The almighty God bestowed upon mothers the unique honour of bringing new lives into this world. Oh what a wonder and what a joy," sulat niya sa kanyang Instagram account.
Four months old na si Tali na ipinanganak noong November 6, 2017.