GMA Logo
What's on TV

LOOK: Bae-by Baste, mapapanood ngayong gabi sa 'The Gift'

By Aaron Brennt Eusebio
Published December 4, 2019 12:22 PM PHT
Updated December 4, 2019 12:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte press briefing (Feb. 18, 2026) | GMA Integrated News
90 houses hit, over 100 families displaced in Iloilo City fire
Mga sinalanta ng Bagyong basyang sa Surigao del Sur, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Mapapanood na mamayang gabi sa 'The Gift' si Bae-by Baste! Excited na ba kayo?

Mapapanood ngayong gabi sa The Gift ang co-host ni Alden Richards sa Eat Bulaga na si Bae-by Baste.

Ayon sa Instagram post ni Jo Berry, na tumatayong nanay ni Alden sa The Gift, gagampanan ni Baste ang bagong kaibigan ng karakter ni Alden na si Sep.

"Kilalanin ang bagong kaibigan ni Sep! Mamaya sa #TheGiftNewFriend," sulat ni Jo sa caption.

Kilalanin ang bagong kaibigan ni Sep! Mamaya sa #TheGiftNewFriend 8:35 pm

A post shared by Jo Berry (@thejoberry) on


Kagabi, December 3, sa pagtatapos ng episode ng The Gift, ipinasilip ang magiging eksena nina Bae-by Baste at bida ng programa na si Alden.


Samantala, trending naman agad ang #TheGiftNewFriend sa Twitter ngayong araw, December 4.

Maraming fans ang nag-aabang na sa pagsasama nina Bae-by Baste at Alden sa The Gift.


Panoorin ang The Gift, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng Beautiful Justice.