
Naaliw sina Carmina at Zoren Legaspi sa isang meme na kung saan ay makikita ang isang batang babae at lalaki na ipinanghihilamos sa kanilang mga mukha ang ice cream na ineendorso ng Legaspi family. Ginamit nila ito bilang skincare product para daw maging kamukha nila sina Mavy at Cassy.
LOOK: Behind-the-scenes photos ng Legaspi family, patok online
Ni-repost ito ng mag-asawang Carmina at Zoren sa kani-kanilang Instagram accounts at sinakyan nila ang humor ng dalawang netizens. Pinaalalahanan nila ang kanilang mga followers na hindi ipinang-hihilamos ang ice cream kundi kinakain.
Ipinahayag din ni Carmina na natawa siya sa meme at nais niyang makilala ang lalaki at babae sa meme.
Pumatok online ang naturang meme matapos maging viral ang behind-the-scenes photos ng Legaspi family sa isang TVC shoot para sa isang sikat na ice cream brand.