
Todo-suporta si Barbie Forteza sa kanyang boyfriend na si Jak Roberto sa pagsali nito sa “Bebot 2019” sa Eat Bulaga!
Kahit Team Bahay, ipinakita ng Kapuso actress ang kanyang suporta kay Jak, na nag-a la K-pop star na si Nancy-Langka.
Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Barbie tungkol sa look ni Jak, “GANDA MO GIRL!”
GANDA MO GIRL! #NancyLangka @jak_roberto pic.twitter.com/3undt0atFV
-- Barbie Forteza (@dealwithBARBIE) August 9, 2019
Ilang fans din ang sumang-ayon sa kanya:
Kaganda naman ! Vaklang toh pic.twitter.com/E1mVHB7uSa
-- CatherineSomeo (@catherine_someo) August 9, 2019
Barbs ganda ni vakhla hahaha... Cute nya...
-- Marie Celle (@mariecelleako) August 9, 2019
Alam mo na ms. Barbie mas maganda sya sayo kapag naging girl 🤣
-- Miss Minchin (@Eunah091490) August 9, 2019
Sorry.. kinabog ka ahahha
-- cecille villar (@akoxicecilia) August 9, 2019
dinaig ung beauty mo mamsh
-- Tanfelix.aksehcnarf (@MamonFrancheska) August 9, 2019
Tawang-tawa naman si Barbie nang hiranging winner of the day ang kanyang boyfriend.
Sa isang Instagram post, sinabi pa niya, “Sayo na ang korona, darling!”
Sagot naman sa kanya ni Jak, “Proud na proud madam ah [smile emoji]”
Mauwi nga kaya ni Jak ang korona? Panoorin ang grand finals ng “Bebot 2019” ngayong Sabado, August 10, sa Eat Bulaga!