What's Hot

LOOK: Barbie Forteza, bakit bina-bash si Ruru Madrid?

Published February 11, 2020 1:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Ano ang naging reaksyon ni Ruru Madrid nang sabihin ni Barbie Forteza na "totropahin" lang daw niya ang aktor?

Tinanggap ni Barbie Forteza ang hamon ni Jak Roberto na maglaro ng "Jojowain o Totropahin" challenge featuring some Kapuso leading men.

WATCH: Sino sa Kapuso leading men ang jojowain ni Barbie Forteza?

Ilan sa mga Kapuso leading men na tampok sa challenge nina Barbie at Jak ay ang actors na sina Ruru Madrid at Kristoffer Martin.

Ayon kay Barbie, totropahin niya lang daw ang dalawa.

Paliwanag niya kung bakit hanggang tropa lang si Ruru, "Totropahin ko 'yan kasi iba 'yung dating ng Ruru Madrid 'eh. Minsan pasok sa banga, minsan okay 'yung aura, minsan parang 'Huh?'

"Laging naka-boots? Talaga? Sa GMA? Baha ba? Pero style niya kasi 'yon.

"'Yung mga nakakakilala sa 'kin, 'yung mga kaibigan natin, alam nilang basher ako so isa si Ruru sa mga bina-bash ko with all the boots, the colorful polos, and everything.

"Kering-keri niya naman 'yon. Masaya kasama 'yan, masaya ka-work, tsaka mahusay na aktor."

Close din naman daw sina Barbie at Kristoffer as friends kaya hindi niya nakikitang jojowain niya ang Kapuso actor.

Aniya, "Nagtataka lang ako, bakit siya kasama sa listahan? Paano ko ba 'to sasabihin na hindi siya maiinsulto?

"Tropa 'yan, totropahin 'yan kasi puwede kaming maging kolokoy together pero 'pag seryosong usapan kunwari 'pag payong kaibigan, maasahan mo 'yang si Tupe."

Nag-react naman sina Ruru at Kristoffer sa mga sinabi ni Barbie sa naturang video.

Tinawag ni Ruru na basher si Barbie.

Biro namang sisipain ni Kristoffer si Barbie.

Sa susunod na vlog ng dalawa, tatanungin naman ni Jak si Barbie kung jojowain o totropahin niya ang ibang Kapamilya stars.

Abangan si Barbie gabi-gabi sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday pagkatapos ng 24 Oras. Panoorin rin ang inyong paboritong Kapuso teleserye sa official website ng GMA Network o GMA Network app.