
May mapo-promote sa mga tao ni Sir Lance (Oyo Sotto). Sino kaya ito?
Sa pagbubukas ng Bagong Taon, isa sa mga ka-teammate ni Stacy (Maine Mendoza) ang makakatanggap ng big promotion.
Sino kina Daboy (Kevin Santos) at Jingle Bell (Via Antonio) ang chosen one?
Makatulong kaya ang pagsipsip nila sa HR Manager sa Iconic Media na si Ms. Macupad (Melanie Marquez)?
Kumasa naman si Matilda (Wally Bayola) sa hamon nina Barak (Vic Sotto) na kailangan niya matupad ang New Year's resolution niya na hindi na magagalit.
Matupad kaya ito ni monster Matilda?
Babaha ng cuties sa unang episode ng Daddy's Gurl for 2020 dahil makikisaya rin ang YouTube star na si Boi Spencer (Spencer Capistrano) this January 9!
Huwag papahuli sa mga LOL moments na hahanap-hanapin ninyo sa Daddy's Gurl sa January 9, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) sa oras na 9:15 PM.
WATCH: 7 most viewed 'Daddy's Gurl' videos of 2020