
Mapapanood si Kapuso actor Benjamin Alves sa Cinemalaya ngayong taon dahil kabilang siya sa cast ng 'Angkas.'
Ayon sa post ng Facebook page ng Cinemalaya, makakasama rin ni Benjamin ang Kapamilya actor na si Joem Bascon at Merryl Soriano.
Ayon din sa post, ang 'Angkas' ay tungkol sa dalawang tao na susubukang ayusin ang kanilang pagkakaibigan habang bumabiyahe gamit ang habal-habal.
Huling napanood si Benjamin sa Cinemalaya noong 2013 sa pelikulang 'Sana Dati' kasama sina Lovi Poe at Paulo Avelino.
Mapapanood ang Cinemalaya mula Agosto 7 hanggang 16 ngayong taon sa Cultural Center of the Philippines at ilang piling sinehan.
IN PHOTOS: Benjamin Alves and girlfriend's long weekend trip in Japan
Benjamin Alves, may pasaring sa mga lalaking na nagme-message sa kanyang girlfriend