
Proud na proud na ibinalita ni Bettinna Carlos ang school achievement ng kanyang anak na si Gummy. Magtatapos umano bilang class and overall valedictorian for Kinder ang kanyang unica hija.
Una niya itong ibinalita sa kanyang Instagram account. Aniya, "Thank you, Lord!!!! Highest in her class and batch 98.97 GWA! We give you back all the glory honor and praise!"
Kasama rin ni Bettinna ang kanyang buong pamilya para sa graduation ni Gummy.
Congratulations, Gummy!