
Matapos ang mga espekulasyon tungkol kina Senator Sherwin Gatchalian at beauty
queen-turned-actress na si Bianca Manalo, kinumpirma na nilang dalawa sa publiko ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng isang Instagram post.
Usap-usapan ngayon ang sweet Instagram photo na in-upload ni Bianca, kung saan magkawak sila ng kamay ng senador.
Sabi pa ng aktres sa caption ng larawan, “Imagine being loved the way you love. [heart emoji]”
May kulit reply naman si Sen. Gatchalian sa photo nila ni Bianca.
Makikita din sa comment section ng post ang sunud-sunod na pagbati ng kanilang mga kaibigan
dahil ipinagdiriwang nila ang kanilang anniversary.
Bago si Sen. Gatchalian, huling napabalitang karelasyon ni Bianca ang Brazilian model na si Fabio Ide noong 2015. Dati namang na-link ang senador sa Eat Bulaga host na si Pauleen Luna.