
Sa ika-73 kaarawan sana ng namayapang aktor na si Johnny Delgado, bumisita ang kanyang mag-inang sina Ina Feleo at Direk Laurice Guillen sa kanyang puntod sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.
Sa Instagram post ni Ina, makikitang dumalaw sila ni Direk Laurice noong February 28 upang alalahanin ang kanyang ama.
Namatay si Johnny noong November 2009 dahil sa sakit na cancer.
"Happy birthday in heaven (Feb 29)," maiksing mensahe ni Ina.
Aktibo pa rin sa show business sina Ina at Direk Laurice. Mapapanood si Ina bilang Margaux sa Bilangin ang Bituin sa Langit, kung saan si Direk Laurice ang direktor.
Alamin kung saan nakahimlay ang iba pang celebrities na pumanaw na dito:
Related content:
Ina Feleo on late father Johnny Delgado: "You are never forgotten"
Sisters Ana and Ina Feleo remember dad Johnny Delgado on leap day