
Dream come true para sa Sunday PinaSaya star na si Boobay na makasama ang '90s band na The Moffatts.
Kapansin-pansin ang labis na katuwaan ni Boobay nang i-post niya ang kaniyang larawan kasama ang tatlo sa apat na miyembro ng banda--sina Scott, Bob, at Clint.
Ani ni Boobay sa Instagram, “The MOFFATTS!!!! grabeeee never in my wildest dream na makakapagpa picture ako sa kanilaaaaaa!!! lahat ng kanta nila sinasabayan ko nung high school ako. Waaaaaaaaah!!! #IfLifeIsSoShort #IMissYouLikeCrazy#I'llBeThereForYou”
Nakasama ni Boobay ang Moffat brothers na sina Scott at ang triplets na sina Bob, Clint, at Dave nang mag-guest ang mga ito sa Sunday PinaSaya.
Ipinasikat ng The Moffatts ang ilang '90s hits tulad ng “If Life is So Short,” “I Miss You Like Crazy,” at “Girl of My Dreams.”
Kasalukuyang nasa bansa ang The Moffats para sa kanilang reunion concert sa Manila at Cebu.