
Have a speedy recovery, Boobay!
Unti-unti nang nakaka-recover ang komedyanteng si Norman Balbuena a.k.a. Boobay matapos siyang ma-stroke kamakailan lamang. Nakalabas na siya ng ospital at mayroon na ring ilang litrato ang Kapuso star na ibinahagi ng kanyang boyfriend na si Kent Requir sa Instagram.
MUST-SEE: Unang picture ni Boobay matapos makalabas ng ospital
Ngayong araw, December 18, ay nagpakita na sa publiko si Boobay kasama pa rin ang kanyang boyfriend. Base sa photo ni Kent, isang morning walk ang ginawa ng komedyante kanina.
May pahabol pa ngang litrato si Kent habang bumibili si Boobay ng ice cream sa Quezon City Memorial Circle.
MORE ON BOOBAY:
WATCH: 7 funniest videos of Boobay versus other celebrities
Allan K, binista si Boobay sa ospital
Ho-Ho-Holidays recipe 1: Chocolate Soda Chicken Wings with Boobay and Chef Anton Amoncio