
Gumawa ng ingay online ang selfie ng Bubble Gang star na si Analyn Barro!
WATCH: BFFs Arra San Agustin and Analyn Barro Korean food experience!
Nakatawag pansin kasi sa mga netizens ang bubble bath selfie ng former StarStruck finalist nitong Linggo, February 2 na umani ng mahigit 12,000 likes at this writing.
Bumuhos tuloy ang mga komento na angat ang ganda ni Analyn sa kanyang Instagram photo.
Sa post din online ng Kapuso babe, may sweet message din ito sa kanyang pinakamamahal na ina na nag-celebrate ng kanyang kaarawan.
Sa Instagram Story ni Analyn, may halong lungkot ang birthday ng ina niya na si Bench Barro dahil hindi niya kapiling ito sa kanyang special day.