
Puspusan ang paghahanda ni Kapuso actor Buboy Villar sa pagiging isang daddy!
Nagsimula na kasing mamili ng mga damit ang first-time parent para sa kanilang baby ng kanyang kasintahang si Angillyn Gorens.
Noong nakaraang Father's Day inanunsyo nina Buboy at Angillyn ang tungkol sa pagbubuntis.
Babae ang panganay ng dalawa at papangalanan nila itong Angelica Nazareth.