
Na-startstruck sina Cacai at Kitkat sa AlDub.
Hindi napigilan ng mga comediennes na sina Cacai Bautista at Kitkat na ma-starstruck nang makita nila ng personal ang iniidolo nila na AlDub nitong nakaraang Sabado (March 19) sa Eat Bulaga.
Ang tinaguriang Dental Diva na si Cacai Bautista, sobra ang excitement ng magkaroon siya ng chance na maka-selfie si Maine Mendoza.
Sa post ni Cacai sa Instagram, “Super happy to Finally meet you!!! I am such a Faneeeeey!!!!!! @mainedcm Love you #yayadub hihi #aldub #dentaldiva”
Tuwang-tuwa rin siya nang muli silang magkita ni Alden Richards sa Broadway Centrum dahil napakakulit pa rin daw ng Kapuso actor.
Isa namang mini-reunion ang naganap sa Eat Bulaga nang magkita ang Princess in the Palace stars na sina Kitkat at Maine Mendoza.
Matatandaang gumanap si Maine bilang Chef Eliza sa morning teleserye.
Saad ni Kitkat, “Waaahhhh ang kulit kulit at bait bait mo tlga @mainedcm super happy ako pag nakikita kita at nakakasama! Mwah!!! Thank u for making us happy! Happy Hugs #chefElize AlDubYou!!!! Chef Elize and Portia of Princess in the Palace"
MORE ON ALDUB:
AlDub wraps up shooting for 'Eat Bulaga's' Lenten special
WATCH: Maine Mendoza's new endorsement trends on Twitter