
Nagbahagi ang 'Wish I May' actress sa kanyang Instagram account ng isang larawan kung saan sabay silang kumakain.
Magkahiwalay man geographically, nakuha pa ring mag-date ng magkasintahang sina Camille Prats at VJ Yambao.
Nagbahagi ang 'Wish I May' actress sa kanyang Instagram account ng isang larawan kung saan sabay silang kumakain.
Ayon kay Camille, matutulog na sana si VJ ngunit lumabas pa ito ng bahay para bumili ng burger upang masabayan siya sa kanyang merienda.
"The things we do just to feel we're right beside each other. Missing you quite terribly! You make LDR so bearable inspite of time and distance," sulat ni Camille sa caption ng kanyang post.
READ: Camille Prats, nagbahagi ng ilang detalye para sa kanyang kasal
Kasalukuyang nasa Amerika si VJ para ayusin ang kanyang citizenship at iba pang paghahanda para sa pag-iisang dibdib nila ni Camille. Nakatakdang ikasal ang dalawa sa Enero ng susunod na taon.