
Ibinahagi ng hunk aktor na si Rodjun Cruz ang ilang ilarawan mula sa reunion ng cast ng dating tele-magazine show for preteens na 5 and Up.
Where are they now?: The cast of '5 and Up'
Base sa kanyang Instagram post, na-miss niya raw ng sobra ang kanyang mga dating kasamahan sa TV show, at sana raw ay kumpleto na sila sa kanilang susunod na reunion.
Saad niya, "Kakamiss sobra! Next time dapat complete na tayo. Love you guys.? #5andUp #onceanupperalwaysanupper"
Prinoduce ng Probe Productions, Inc. ang 5 and Up sa pamumuno ng batikang broadcast journalist na si Cheche Lazaro. Mula 1992 hanggang 2002 ito napanood sa telebisyon.