
Nagbigay-pugay ang ilang celebrities gamit ang kanilang social media accounts kay Hidilyn Diaz matapos manalo ang Pinay Olympian ng silver medal sa weightlifting.
Nagbigay-pugay ang ilang celebrities gamit ang kanilang social media accounts kay Hidilyn Diaz matapos manalo ang Pinay Olympian ng silver medal sa weightlifting.
Si Joey de Leon, itinema ang suot sa panalo ni Hidilyn. Aniya, “Nagsuot ako ng silver jacket to celebrate Hidilyn’s winning of the silver in the Rio Olympics. Buenas si Diaz!”
Lubos lubos din ang papuri nina Pia Wurtzbach, Doug Kramer at DJ Rico Robles sa Pinay Olympian. Maliban kasi sa pagkamit ni Hidilyn ng unang Olympic medal para sa Pilipinas matapos ang 20 na taon, siya rin ang first Filipino to medal in Olympic weightlifting, first Filipina to earn an Olympic medal, first non-boxer to medal for the Philippines since 1936 at first Olympic medalist mula Mindanao.
Ipinagmamalaki at hanga rin sa ating kabayan sina Manny Pacquiao, Aiza Seguerra at Ryza Cenon.
“Congratulations to Hidilyn Diaz on winning Olympic silver medal for weightlifting. I’m so proud of you, pagbati ng Pambansang Kamao.
Nagtagumpay si Hidilyn sa 53 kg category sa weightlifting sa score na 200 kg. Bago niya makamit ang silver medal sa weighlifting sa Olympics ay si Onyok Velasco ang huling nagwagi ng medalya sa naturang palaro noong 1996 sa Atlanta.
Ang 2016 Olympics ay kasalukuyang ginaganap sa Rio de Janeiro, Brazil.