
Masaya at excited ang ilang celebrities sa pagbabalik sa showbiz ni John Lloyd Cruz matapos magpahinga ng mahigit isang taon.
Lumikha ng ingay ang commercial ni John Lloyd na lumabas online noong Lunes, April 29.
Nag-post ng litrato sa kani-kanilang Instagram account ang mga kaibigan niya at kapwa artista na sina Piolo Pascual at Bea Alonzo.
"If that's you i'm happy coz ur my brother. Welcome to the family!" sulat ni Piolo.
Simpleng heart emojis naman ang inilagay ni Bea sa caption ng kaniyang post.
Hindi rin napigilan nina Bianca Gonzales at Isabelle De Leon na magkomento sa post ni Bea.