
Glowing ang asawa ni Patrick Garcia na si Nikka habang ipinagbubuntis nito ang kanilang third baby.
Sa Instagram post nito kahapon, July 9, proud na ipinakita ni Nikka ang kaniyang baby bump.
Ilang celebrities naman ang nag-react sa photo niya tulad na lang ng kaniyang sister-in-law na si Chesca Garcia-Kramer at mga kaibigan na sina Iya Villania at LJ Reyes.
Malapit na din daw malaman ng Garcia couple ang gender ng kanilang bagong anak.
Ikinasal sina Patrick at Nikka noong March 2015. May dalawa na silang anak na sina Chelsea at Patrice. May anak si Patrick sa Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado, si Alex Jazz.