
Proud na ibinahagi nina Onanay star Cherie Gil at Alfred Vargas sa Instagram na magsasama sila sa isang indie film na ididirek ni Mac Alejandre.
Base sa Instagram post ng batikang aktres, Kiki ang pangalan ng kanyang karakter, samantalang Robert naman ang pangalan ng karakter na bibigyang buhay ng actor-politician.
Narito ang mga larawan mula sa kanilang look test:
Ang proyekto ay mula sa panulat ng award-winning screenwriter na si Ricky Lee. Directors of photography naman ang batikang indie filmmaker na sina Lav Diaz at si Daniel Uy.