
Noong Huwebes, July 19, ipinost ng Kambal, Karibal star na si Chesca Salcedo ang kanyang throwback photo kasama ang Kapuso royal couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Kuha ito mula sa set ng 2007 hit GMA remake na Marimar kung saan ginampanan ni Chesca ang role ni Cruzita, ang anak nina Marimar at Sergio, noong 5 years old pa lamang siya.
LOOK: Remember "Cruzita," the daughter of Marimar? Where is she now?
Natuwa naman ang mga netizens nang makita ang kanyang transformation from being a cute child star to a beautiful teen actress.