
Break muna sa matitinding aksyon ang mga bida ng primetime series na Beautiful Justice, dahil nag-enjoy muna ang buong cast sa kanilang Christmas party event.
Ipinasilip ng mga aktres na sina Shyr Valdez at Valeen Montenegro ang ilang highlights nang kanilang selebrasyon nitong weekend.
Mas kapana-panabik din ang mga eksenang tutukan ng televiewers sa action-packed soap with the newest addition sa show na sina Alice Dixson at Sanya Lopez.
Paano babaguhin nila Agent Thea Vasquez (Sanya Lopez) at Black Rose (Alice Dixson) ang takbo ng kuwento sa Beautiful Justice?
Abangan ang lahat nang yan gabi-gabi sa GMA Telababad bago ang The Gift!