
Ramdam ang kasiyahan ni Optimum Star Claudine Barretto nang ipakilala niya sa buong mundo ang bago niyang anak na lalaki na si Noah Joaquin.
Claudine Barretto defends daughter Sabina from a basher
Newly adopted daughter ni Claudine Barretto, nilait ng isang basher
Sa Instagram post ng aktres, sinabi ni Claudine na regalo mula sa Diyos ang kanyang baby boy.
“Meet My Noah Joaquin, my Palanggas.Truly God' s gift. I am now Complete as a Mother. I'm so BLESSED BEYOND WORDS! We Praise you Lord, Abba Father”
Matatandaang noong August 16, may Instagram photo na in-upload si Claudine na may kargang bata na tila pahiwatig na muli siyang nag-adopt, pero wala siyang direktang kumpirmasyon patungkol dito.
May anak si Claudine sa dating asawa at action star na si Raymart Santiago na si Santino, samantalang adopted daughters naman niya sina Sabina at Baby Quia.