
Kabilang ang boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na si Clint Bondad sa cast ng upcoming Kapuso rom-com series na pagbibidahan nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado.
Ibinahagi ni Clint sa kaniyang Instagram account ang ilang behind-the-scenes photos nila ng Ultimate Star. Hindi pa idinetalye ni Clint ang kaniyang role sa nasabing serye pero, base sa kanilang sweet photos, nagpapahiwatig ito na love interest siya ng karakter ni Jennylyn.
Sulat niya sa caption, "So somewhere out there exists a photo album of us haha not sure why it cracks me up the way it does!"
Dugtong pa ni Clint, "#loveyoutwo #tvshow #gma."
Bukod sa model-actor, kabilang din sa cast sina Kiray Celis, Sheena Halili, Shaira Diaz at Jerald Napoles.
Sa Instagram post ni Shaira, "happy set" kung ilarawan niya ang upcoming series.