
Bumisita sina Maine Mendoza at Ruby Rodriguez sa ospital para dalawin ang naka-confine na si Bae-by Baste at kapatid nitong si Samsam.
LOOK: Bae-by Baste, naospital dahil sa dengue
Kasalukuyang naka-admit ngayon sa ospital ang batang Dabarkad dahil sa sakit na dengue. Dahil hindi siya makapunta sa Broadway studio, minarapat ng mga Dabarkads na siya ang puntahan. Kasama rin nina Maine at Ruby ang Triple A President na si Rams David.
Natuwa naman si Bae-by Baste sa paglalambing ng kanyang mga katrabaho.
Aniya, “Thank you po Tita @rodriguezruby Ate @mainedcm and sir @ramsdavid86 sa pagvisit po samin ni Samsam.”