Hindi mapigilan ng mga Eat Bulaga stars na manggigil sa anak ng StarStruck graduate na si Nadine Samonte nang ito ay mag-guest sa longest-running noontime show kahapon, March 10.
Napanood si Nadine sa patok na segment ng Eat Bulaga na Jackpot En Poy.
Kasama rin ng celebrity mom na nagpunta sa Broadway Centrum ang bouncing baby girl niya na si Heather Sloane. Makikita sa Instagram post ng former actress na tuwang-tuwa ang mga dabarkads na magpa-picture sa kaniyang cute baby.
May Instagram post din ang batchmate ni Nadine sa StarStruck na si Yasmien Kurdi at sana raw ay ma-meet ni Ayesha Zara si Heather Sloane one day.
Marami ang humahanga kay Nadine Samonte matapos niyang i-reveal sa Pinoy MD ang mga pinagdaanan niyang hirap sa pagbubuntis.
Matatandaan na na-diagnose ang aktres ng Antiphospholipid Antibody Syndrome (APAS) na isang uri ng autoimmune disease.
Umaabot daw sa mahigit 50 tablets a day ang iniinom niya para lang kumapit at maging healthy si Heather nung ipinagbubuntis pa niya ito.
Aniya, “Mayroon akong two times injections a day tapos I’m drinking 53 to 56 tablets a day lahat ng pampakapit, lahat ng vitamins, minerals, calcium para sa anak ko.”
Video courtesy of GMA Public Affairs
MORE ON NADINE SAMONTE:
LOOK: Nadine Samonte's baby shower for Heather Sloane
LOOK: Nadine Samonte is a goddess mommy