
Hindi lang sa pag-arte magaling ang Kapuso Chinito Heartthrob na si David Licauco dahil hindi pa rin nawawala ang galing nito sa basketball.
Kamakailan lang, naiuwi ni David ang MVP award sa Grace Alumni Basketball League 2019.
Dating varsity si David ng Grace Christian College kung saan siya nagtapos ng high school.
Pinagpatuloy ni David ang paglalaro ng basketball hanggang college bago niya ito itinigil nang pumasok sa mundo ng showbiz at modeling.
Mapapanood si David sa TODA One I Love kasama sina Kylie Padilla at Ruru Madrid.
Abangan ang TODA One I Love, gabi-gabi, sa GMA Telebabad pagkatapos ng Sahaya .