
Tila nag-enjoy ang Inday Will Always Love You stars na sina Derrick Monasterio at Gladys Reyes sa kanilang taping na kinunan pa sa Cebu para sa upcoming Primetime soap na magpapakilig sa atin ngayong tag-init.
Pinagbibidahan ni Kapuso Teen Queen Barbie Forteza at ng hunk actor ang romantic-comedy series. Kontrabidang ina ni Derrick naman ang role ng veteran star na si Gladys Reyes sa serye.
Itatampok sa Primetime series ang pride ng Cebu, ang kanilang crispy at tasty lechon.
May isang eksena sa serye na maghahabol ng baboy si Derrick at pati si Gladys ay hindi nakaligtas sa putikan.
“Anak ng putik!” ani ng beteranang kontrabida habang inihalintulad naman ni Derrick ang mga baboy sa ka-cute-an ng mga aso.