
Pagkatapos makita sa TV ang pamilya Dantes, isang picture naman ng mag-asawang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kumakalat sa Internet.
By AL KENDRICK NOGUERA
Pagkatapos makita sa TV ang pamilya Dantes, isang picture naman ng mag-asawang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kumakalat sa Internet. Ito ang kanilang unang larawan na lumabas sa publiko matapos na maipanganak ng Kapuso Primetime Queen si Baby Zia.
LOOK: Pamilya Dantes's meaningful first TV appearance
Sa Instagram post ng Road Manager ni Dingdong na si Paolo Luciano, kitang-kita na maayos ang lagay ni Marian. Kasama ng DongYan sa larawang ito ang ama ng Kapuso Primetime King na si Mr. Jose Sixto Zafra Dantes Jr.
READ: Is Dingdong Dantes shooting a new TV commercial with his dad?