
Looking forward si Dingdong Dantes na makatrabaho ang kanyang Cain at Abel co-stars dahil may natatangi siyang paghanga sa mga ito.
Isa-isang pinuri ni Dingdong ang ilan sa veteran stars na makakasama niya sa bagong Kapuso program.
Kuwento niya, “Manghang-mangha ako tuwing nagkukwento si Tito Eddie Gutierrez tungkol sa napakaraming pelikulang nagawa niya, at mga paksa sa buhay na talaga namang kailangang marinig naming mga nakababatang artista. Swabeng swabe mula noon, hanggang ngayon. Siya ang gaganap na aking Ama sa #CainAtAbel, simula bukas na, sa @gmanetwork.”
Masaya rin siyang muling makatrabaho sina Dina Bonnevie at Chanda Romero.
Sambit niya, “When i started out in television during the late 90's, I'd frequent this very popular talk show of Ms. D called...Ms. D. Many exciting youthful topics were revealed back then, and I am excited to share the screen with her again-- this time, as her son-in-law that always gets into her nerves.”
“Chanda Romero...oh i miss working with you. Watch out for her very important role in #CainAtAbel,” wika rin ni Dingdong.
Mataas din ang paghangang ibinigay niya kay Bing Pimentel kahit ngayon palang niya siya makakasama sa isang proyekto.
Aniya, “It is a pleasure to finally work with Ms. Bing Pimentel. Starting tomorrow night, you'll get to meet her interesting character.
Pinakilala rin niya ang ilan pa niyang co-stars at kung bakit kaabang-abang ang kanilang mga karakter sa Cain at Abel.