
Kasalukuyang nasa Paris ang Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera kasama ang kanilang anak na si Zia para sa kasal ng celebrity doctors na sina Vicki Belo at Hayden Kho.
Habang nasa Paris ang pamilya Dantes, muling ipinamalas ni Dingdong ang kaniyang pagiging #husbandgoals sa pamamagitan ng pamamalantsa ng damit ni Marian.
Hindi ito ang unang beses nagpakita ng kanyang domesticated side si Dingdong, matatandaan na una nang naiulat na naghuhugas din ito ng pinggan para kay Marian.
Dingdong Dantes, naghuhugas ng pinggan para kay Marian Rivera
Samantala, puring-puri naman ng kilalang kolumnista ang talent manager na si Lolit Solis ang mag-asawa sa kanilang pagiging hands on sa anak na si Zia.
Aniya, "You will see na talagang they enjoy being parents to Zia. Dala-dala ni Dong ang baby bag at nag-breastfeed si Marian dun mismo sa River Seine Cruise habang ang karamihan sa mga bisita nina Hayden at Vicki ay abala sa pagsasaya hah. Talagang bravo papa Dong at mama Yan. Lucky Zia."
Nakasama ni Manay Lolit sina Dingdong at Marian sa welcome dinner ng newlweds na sina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho.