
Nagsimula na mag-taping ang Kapuso Primetime King Dingdong Dantes para sa Philippine adaptation ng hit Korean series na Descendants of the Sun.
All-out ang kanyang paghahanda mula kasuotan hanggang sa gagamiting props para mapanindigan ang kanyang role bilang sundalo.
Sa kanyang Instagram post ngayong Huwebes, August 29, ipinakita niya ang kanyang overall look bilang si Captain Lucas Manalo para sa upcoming series.
WATCH: Dingdong Dantes debuts full 'Captain Lucas' look
Ayon sa caption ni Dingdong, ipinahiram sa kanya ng kaibigan niyang TV host na si Kim Atienza ang Royal Enfield Classic 500 Desert Storm motorcycle nito. Ito ay nagkakahalaga ng humihigit-kumulang P330,000, ayon sa zigwheels.ph.
Base sa official website ng Royal Enfield, ang naturang model ay idinesenyo para sa World War II.
Sabi ni Dingdong, "@kuyakim_atienza, safe na safe ang iyong Royal Enfield 500 sa pangangalaga ng Special Forces Captain na si Lucas Manalo."
Pinasalamatan naman niya si Kuya Kim para sa pagpapahiram ng kanyang prized possession.
Saad ni Dingdong, "Thank you for lending this classic beauty na bagay na bagay sa show naming Descendants of the Sun."
WATCH: Dingdong Dantes at Rocco Nacino, nagbigay-pugay sa mga sugatang sundalo