By AEDRIANNE ACAR
Maraming mga Kapuso na ang nag-aabang sa muling pagbabalik ng telefantasya na bumago sa telebisyon at pumukaw sa imahinasyon ng mga Pilipino, ang Encantadia.
Matapos ianunsiyo noong Disyembre na nagsimula na ang paghahanap muli ng mga aktres na gaganap sa apat na Sang’gre na sina Pirena, Amihan, Alena at Danaya, lumutang na ang iba-ibang pangalan sa maraming showbiz websites at online forum kung sino-sino ang puwedeng gumanap sa mga iconic characters na ito.
Noong February 11, nagpatikim na ang direktor ng Encantadia na si Direk Mark Reyes sa Instagram ng new look ng magiging costume ng mga sundalo sa kaharian ng Lireo.
Mga Kapuso, sino sa tingin n'yo ang aktor na puwedeng gumanap sa role ni Aquil, ang ‘Kapitan Ng Lireo?’ Post your comments on the official Facebook of Encantadia 2016.
MORE ON 'ENCANTADIA':
LOOK: 'Encantadia' fan-generated photos, kumakalat sa Internet
The search for the next Encantadia Sang'gre begins