
Nag-reunion sa GMA Thanksgiving party noong Biyernes, July 6 ang 2016 Encantadia sang’gres na sina Pirena (Glaiza de Castro), Alena (Gabbi Garcia), Amihan (Kylie Padilla) at Danaya (Sanya Lopez) kasama ang kanilang batikang direktor na si Mark Reyes.
Nakita rin ni Direk Mark ang unang pamilya na naghari sa GMA fantasy series, sina Lira (Mikee Quintos), Amihan at Ybrahim (Ruru Madrid).